Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start Zaijian Jaranilla

Klinton Start saludo kay Zaijian Jaranilla

MATABIL
ni John Fontanilla

SALUDO ang teen actor at tinaguriang Supremo na si Klinton Start sa husay makisama at umarte ng former child star at ngayo’y teenager na si Zaijian Jaranilla na nakatrabaho nito sa inaabangang teleserye ng Kapamilya Network, ang The Broken Marriage Vow.

Ginagampanan ni Klinton ang role ni Macky, ang kontrabida sa buhay ni Gio (Zaijian). First time ni Klinton na gumanap bilang kontrabida kaya naman very challenging ito para sa kanya. Halos karamihan kasi ng nagawa niyang acting projects ay mabait ang role na kanyang ginagampanan.

Malaking tulong ang pagiging  napakahusay umarte ni Zaijian dahil  nadadala siya nito para mas maging mahusay sa role na kanyang ginagampanan. Bukod sa mahusay itong makisama sa mga baguhang artista katulad niya.

Makakasama nina Klinton at Zaiian sa The Broken Marriage Vow sina Zanjoe Marudo, Jodi  Sta Maria, Sue Ramirez, Francis Grey atbp. na idinirehe nina Andoy Ranay at Connie Macatuno .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …