HATAWAN
ni Ed de Leon
HABANG nakaupong mag-isa sa coffee shop ng isang malaking hotel ang poging actor, maraming nakapansin na palipat-lipat naman ang isang gay fashion designer sa mesa ng isang kilalang gay businessman at isang matronang socialite.
Iyon pala, nagkakaroon na ng bidding sa dalawa kung sino ang makaka-date ng poging actor noong gabing iyon, at lumalabas na ang gay fashion designer ang “booker at auctioneer.”
Talaga raw nagpapataasan ng presyo ang dalawa. Walang gustong
magbigay. Nag-aagawan silang dalawa kung sino ang dapat maunang date ng poging actor.
Iyong fashion designer naman, kalma lang dahil sino man ang manalo sa dalawa, tiyak na siya ang kasunod na date ng poging actor bilang komisyon niya sa deal na iyon.