Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Bautista Enchong Dee

Cyber libel kay Enchong ni Bautista isinampa na sa piskalya sa Davao Occidental

HATAWAN
ni Ed de Leon

TULUYAN na ngang isinampa ng piskalya sa Davao Occidental ang demandang cyber libel na iniharap ni Party List Representative Claudine Bautista ng Dumper (Drivers for Mass Progress and Equal Right). Ito ay may kaugnayan sa mga comment na inilabas ni Enchong Dee sa social media na tumutligsa sa sinasabing magastos na kasal ng kongresista sa Balesin.

Marami pang ibang sangkot diyan maliban kay Enchong, kabilang nga si Agot Isidro at ilan pang personalidad, pero sa opinion ng piskalya ang nasabi ng iba ay sarili lang nilang opinion at bahagi ng kanilang karapatan sa malayang pamamahayag, samantalang ang mga sinabi ni Enchong ay may bahid ng malisya kaya siya sinampahan ng kaso sa korte.

Ang matindi pa, ang gusto ng kongresista ay magbayad si Enchong ng P1-B dahil sa kanyang ginawang “paninirang puri.” Ang isipin ninyo ay ito, kung mapatutunayan sa hukuman na may kasalanan si Enchong, saan naman siya kukuha ng P1-B para ibayad? Kung sakaling sila ay magkasundong bawasan ang danyos, o kaya ay ibaba ng hukuman, halimbawang P500-M na lamang, o kalahati ng hinihinging danyos, saan pa rin kukunin ni Enchong ang ganoon kalaking halaga?

Si Enchong ay isang amateur athlete, commercial endorser, at artista, pero pagsama-samahin mo man ang lahat ng kinita niya simula noong una, hindi siguro aabot sa kalahating bilyon. Kung wala siyang ganoon kalaking halaga para ipambayad, ano ang mangyayari sa kanya?

Maaaring ang lahat ng pera niya sa banko, mga ari-arian, at negosyo, o kung mayroon man siyang bahay at mga sasakyan, mai-hold bilang bayad sa danyos, at may utang pa siya. Talagang mapipiga si Enchong basta natalo siya sa kasong iyan. Hindi naman siya makukulong dahil hindi naman kasong criminal na isinampa laban sa kanya, pero matindi iyan.

Maaaring tumagal ang kasong iyan ng ilang taon. Hindi mo rin masabi baka suwertihin naman si Enchong na manalo nang sunod-sunod sa mega lotto, may pambayad na siya. Pero kung iisipin mo pa rin ang gastos at ang atensyon habang hindi natatapos ang pagdinig sa kasong iyan ay hindi siguro na-imagine ni Enchong na sasapitin niya. Iyan ay dahil lamang sa natangay siya ng emosyon at nakapag-comment ng kung ano sa social meda.

Nag-sorry naman si Enchong pagkatapos, pero isa iyon sa nagdiin sa kanya. Dahil ang ginawa niya ay admission of guilt. Iyon mismo ay ebidensiya na na may ginawa siyang mali. Kawawang Enchong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …