Monday , December 23 2024
MMFF Cinema Movie

MMFF nilangaw; ilang sinehan nag-cancel ng screening

HATAWAN
ni Ed de Leon

“WALA pa sa sampung porsiyento ng dating nanood ng sine sa Metro Manila Film Festival  ang pumasok sa sinehan kahapon,” pag-amin ng isang exhibitor.

Personal din namin itong nasaksihan nang mag-iikot kami sa ilang mall na wala nga halos nanonood ng sine. Maliwanag na nilangaw ang Metro Manila Film Festival at hindi lang isa kundi lahat ng entries. May mga sinehan pang nag-cancel ng screening, dahil kahit dapat nang magsimula ang pagpapalabas ng pelikula, wala pang pumapasok para manood.

Sinasabi nilang hindi takot sa Covid ang dahilan kung bakit flop ang MMFF. Puno ang mga simbahan. Dumagsa ang mga tao sa Luneta. Punopuno rin ng mga namamasyal ang Quezon Memorial Circle at marami ring mga tao sa mga mall mismo. Waiting ang mga gustong kumain sa mga restaurant. Nakapila rin ang mga papasok sa shops na naglilimita ng mga tao para maipatupad ang social distancing. Ano ang dahilan at nag-flop na naman ng ganyan ang MMFF?

Hindi dahil sa takot sa Covid. Hinahanap nila iyong mga pelikulang comedy. Hinahanap nila ang mga sikat na artista. Gusto nila mga pelikulang mag-eenjoy sila. Ayaw nila sa mga indie,” ang maliwanag na sinasabi ng ilang theater personnel.

Naglabas kami ng pelikulang Ingles, hindi ganoon karaming tao dahil sa safety protocols pero hindi naman ganyang wala talagang nanonood. Hindi sila natuto eh, ginawa na nila iyan five years ago, puro sila indie. Lahat naman nalugi. Ewan kung bakit ibinalik nila ngayon,” sabi pa sa amin.

Naghahanap din ng artista ang mga tao. Gusto nila sina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, eh walang ganoon eh. Ewan naman ang mga producer, kasi alam naman nila ang mga artistang pinanonood ng mga tao, Maski naman wala pang pandemya, mayroon talaga tayong box office stars. Kung ayaw nilang kumuha ng box office stars, huwag na silang mag-ambisyong lumabas sa sine. Sa internet na nga lang sila dahil doon sila lang ang malulugi, hindi kagaya niyan na nadadamay pa ang sinehan sa pagkalugi nila. Ang masakit, hindi nagbabayad sa sinehan iyan ng minimum guarantee dahil festival nga. Kung ganyan din lang, mas mabuti pa ngang magsara,” sabi pa ng isang inis na inis na exhibitor.

Kami ang pinalalabas nilang kontrabida. Sinasabi nilang wala kaming malasakit sa pelikulang Filipino. Kagaya niyan palabas sila sa sinehan, ayaw silang panoorin ng mga tao, ano ang gagawin natin? Aasa kami na baka sakaling magkaroon ng milagro, kung hindi lugi kami ng sampung araw. Siguro ang bawi na lang namin paglalabas ng ‘Spiderman’ sa January 8. Pero itong festival na ito, wala na iyan,” sabi pa nila.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …