MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni KrisBernal sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks, emosyonal na muli niyang binalikan ang time na hindi na ini-renew ng GMA 7 ang kanyang kontrata nang mag-lapse ito.
Ayon sa aktres, ‘yon ang panahong kinukuwestiyon niya ang kanyang worth bilang artista.
Sabi ni Kris na naluluha, ”Yeah. Very difficult talaga for me kasi, parang feel ko ba, throughout my career, nandoon ako sa network ko.
“When I finally got the memo na they’re no longer renewing me, parang the first word na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko, na parang, ‘I was a failure.’
“And parang, ‘I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans,’ parang ganoon ‘yung dating.
“Pero alam mo na you had given your best. Like, hindi ko alam talaga.”
Ayon pa kay Kris, kahit isang taon na ang lumipas, kapag sumasagi ito sa isipan niya ay nakararamdam pa rin siya ng kalungkutan.
“I know it was a long time ago, like a year ago, pero hindi ko lang naintindihan bakit.
“Kasi, okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. And then, sabi ko nga, lagi ko namang ibinibigay ‘yung best ko.
“And actually, until today, question pa rin siya sa akin.”
Inamin din ni Kris na may nararamdaman na siyang insecurities sa mga bagong nagsusulputang talents ng Kapuso Network.
“Nagkaka-insecurities din ako kasi parang siyempre may mga iba na ring bago.
“Kumbaga, parang they’re open na rin to renewing other actors.”
In fairness naman kay Kris ay mahusay siyang artista at hindi pasaway. Kaya nagtaka kami noon kung bakit hindi ini-renew ng Siete ang kanyang kontrata.