Thursday , December 26 2024
The Headhunter’s Daughter Ang Pagbabalik ng Kwago (Leonor Will Never Die) Sundance Film Festival

Dalawang Pinoy movie pasok sa Sundance Filmfest 2022

DALAWANG pelikulang Filipino ang napili para lumahok sa ika-38 edisyon ng Sundance Film Festival, ang pinakamalaking independent film festival sa US. Isang Filipino feature film at isang short film ang itatanghal sa festival na gaganapin sa Park City, Utah mula Enero 20-30, 2022.

Ang feature film na Ang Pagbabalik ng Kwago (Leonor Will Never Die) ni Martika Escobar ay lalahok sa World Cinema Dramatic section, samantalang ang short film na The Headhunter’s Daughter ni Don Josephus Raphael Eblahan ay sa Shorts Program 4 section. Magkakaroon ng world premiere at onsite delegation ang parehong pelikula.

“The selection of two Filipino films to participate in the Sundance Film Festival, one of the world’s largest and most influential independent film festivals, is already a huge win for Philippine Cinema. We are proud that our country’s delegation to Sundance will be led by two promising independent filmmakers, especially Martika and her film which were part of the Agency’s Full Circle Lab Philippines and CreatePHFilms funding program,” ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Ang pelikulang Ang Pagbabalik ng Kwago (Leonor Will Never Die) ay naging grantee ng CreatePHFilms fund at isa ring alumni ng Full Circle Lab project, na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang pelikula ay tungkol kay Leonor, isang retired screenwriter na naging bida sa sarili niyang screenplay nang siya ay ma-comatose. Ang delegasyon ng pelikula, kabilang ang direktor nitong si Escobar at mga producer na sina Monster Jimenez at Mario Cornejo ay lilipad papuntang Utah upang pisikal na dumalo sa festival.

Ang The Headhunter’s Daughter naman ay istorya ni Lynn, isang nangangarap na maging country singer. Kasama niya ang kanyang kabayong si July naglakbay pababa mula sa mga kabundukan ng Cordillera upang umabot sa kanyang pinapangarap na audition sa siyudad. Dadalhin siya ng kanyang paglalakbay sa landas na nagtutunggalian ang kanyang katutubong identidad at ang mga hindi nakikitang puwersa ng kolonyal na nakaraan. Dadalo sa festival si director Eblahan kasama ang US-based producer na si Hannah Schierbeek.

Simula pa noong 1978, pinagsasama-sama ng taunang Sundance ang mga artista at manonood mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, itinatampok ang mga istoryang nagpapakita ng mga bagong idea at nagbibigay tinig sa mga orihinal na boses bilang ambag sa independent storytelling.

Ang Sundance Institute ang nag-organisa ng Sundance Film Festival 2022 na idaraos sa hybrid na format.  

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …