Monday , December 23 2024
TJ Marquez

Teejay Marquez bibida sa Takas

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKARAANG magbida sa pelikulang Pagari at ma-nominate sa PMPC Star Awards For Movie, muling bibida sa Takas ang Pinoy International actor na si Teejay Marquez na isinulat ni Jhouzel Dulay at idinirehe ni Ray An Dulay.


Ang Takas ay isang full-length suspense thriller movie ukol sa isang sikat na celebrity at simpleng babae na down to earth na sa isang banda ay isang psychopath at masyadong obsessed kay sikat na celebrity.


Masayang-masaya si Teejay dahil after Pagari ay muli siyang nabigyan ng pagkakataong muling magbida sa isang pelikula, kaya naman nagpapasalamat ito sa producer ng Takas.

“Very thankful ako kay Ms Kate (producer) to play Jake na siyang bida sa pelikulang ‘Takas.’ Bale ito ‘yung pangalawang pagkakataon na nagbida ako sa pelikula, una ‘yung ‘Pagari’ and then itong ‘Takas.’

“Pero nagbida na rin ako sa isa pang movie, pero sa Indonesia siya ‘yung ‘Dubsmash the Movie.’”

Makakasama ni Teejay sa Takas sina Janelle Lewis, David Chua, Marvin Yap, at Rob Sy with special participation of John Lapus and Easy Ferrer. Ang Takas ay prodyus ni Kate Javier.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …