Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga AJ Raval

AJ Raval itinanggi panliligaw ni Diego

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Anna Pingol ng PikaPika.ph. kay AJ Raval ay mariing itinanggi ng aktres ang mga paratang na nagkaroon sila ng sabay na relasyon ni Barbie Imperial kay Diego Loyzaga.

Napanood na rin ng dalaga ang panayam ni Boy Abunda kay Barbie noong November 28, na may mga pinakawalang rebelasyon laban kay AJ.

“Pinanood sa akin ng personal assistant ko kasi po wala na akong update sa social media. Nag-detox talaga ako ngayon kaya hindi ko alam ‘yung mga nangyayari. Tapos pinapanood lang sa akin ‘yung video,” sabi ni AJ.

Patuloy niya, ”Noong oras na ‘yun, parang nagtaka rin ako saan galing ‘yung ganoong issue. Hindi naman din ako nagalit. Parang wala lang. Wala akong reaction.

“Tapos parang gusto rin po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganoon.

“Alam naman nilang dalawa na hindi totoo ‘yun.”

Tinanong ni Anna kay AJ ang tungkol sa intrigang niligawan umano siya ni Diego.

“Si Diego po, hindi po, never nanligaw si Diego sa akin,” tanggi ni AJ.

“Wala kaming naging relationship ni Diego.

“One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa ng ‘Death of a Girlfriend.’ Ayun lang po.”

Idinenay din ni AJ na pinuntahan siya ni Diego sa Pampanga. ”Hindi rin totoo na pumunta siya ng Pampanga. Last kita ko pa po sa kanya sa set pa ng ‘Death of a Girlfriend (ang  movie na pinagsamahan nila).

“Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila… kay Diego. Hindi po kami nag-uusap.

“Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang ‘Hi, hello’ lang po. So, wala po talaga kaming connection,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …