Tuesday , October 8 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Kids bawal mangaroling… online na lang, mas malaki pa’ng kita

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

FEEL NA FEEL n’yo na ba ang Pasko? Brrrr…palamig nang palamig na. Actually para sa akin nga ay hindi na rin kailangan pang umakyat ng Baguio para magpalamig at maramdamanna ang simoy ng Pasko, dito pa lamang sa Metro Manila ay feel na rin natin ang malamig na panahon lalo na nga sa lugar namin – ang kabundukan ng Rizal. Malamig na talaga – no aircon, iwas pa nga sa electric fan at kapag maligo lalo sa gabi ay kailangang magpainit ng tubig…sa gabi nga lang ba?

Pasko na talaga…marami-rami na rin ang lumalabas na nagpupunta sa malls simula nang ideklara ang alert level 2and 3 sa Metro Manila at karatig lalawigan maging sa ilang rehiyon.

Marami nang namimili ng panregalo. Mabuti pa sila, pero hindi ibig sabihin na kapag wala kang pang-shopping o pambili ng regalo ay hindi na darating ang Pasko. Wala man budget para sa mga makamundong materyal para sa Pasko, ang mahalaga ay ipagdiwang pa rin natin ang Pasko bilang paggunita at pagpapasalamat sa Panginong Diyos sa kanyang walang katapat na regalo sa atin – ang Kanyang bugtong na Anak, Si Cristo Hesus. Isinilang para sa ating kaligtasan.

Pasko na talaga. Ang isa sa masasabing na-miss ng nakararami ay ang mga batang nangangaroling sa kalsada o sa atin bahay. Yes, ipinagbawal kasi ito noong nakaraang Pasko dahil sa pandemya, kaya ang daming bata noon na malungkot habang sina ninong at ninang naman ay masaya dahil nakatipid sila. Iyong ilan lang naman dahil kahit na paano ay may mga nagbigay pa rin ng aginaldo sa kanilang mga inaanak.

Pasko na talaga. Pinayagan na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang caroling, lamang pinayagan ito sa mga lugar na nasa ilalim lang ng alert level 2. Meaning, sa mga piling lugar lang ang maaaring iimplementa ang caroling.

Pero hindi ibig sabihin na kung puwede nang mangaroling ay kalimutan na ang mga ipinaiiral na health protocols. Kaya, sa mga mangangaroling ha, strictly observe health protocols pa rin ha. Nandiyan pa rin si CoVid. Huwag kalimutan at baka virus ang maiuuwi mo sa inyong pamilya.

Ayon sa DILG, ang mga mangangaroling ay kinakailangang kumuha ng permiso muna sa lokal na pamahalaan at kinakailangan magpadala muna ng isang advance notice o liham sa kakantahan nila ng pamaskong awit.

Dami bang requirements? Matagal na pong requirements ang caroling permit pero hindi lang masyadong iniimplementa. Pasko kasi e pero iba kasi ang panahon ngayon kompara sa mga nagdaang Pasko. Ito naman ay para sa seguridad ng lahat at hindi para sa DILG o LGUs.

Pero sorry little girls at boys dahil kahit nasa alert level 2 ang inyong lugar, hindi kayo puwedeng mag-caroling. Bawal pa rin ang mga batang mag-caroling. Bad news ba? Well, wala po tayong magagawa niyan, iba ang panahon ngayon. Sarap pa naman mag-caroling. Feel na feel mo ang Christmas. Naalala ko tuloy noong bata ako, talagang pagkatapos ng hapunan ay kitakits na kami sa isang kanto ng mga kasamahan ko para mag-caroling. Inaabot kami hanggang alas diyes ng gabi. Walang nakaliligtas na bahay sa amin. Hehehehe…noon kapag may isang bahay na nagbigay ng P5.00 o higit dito, tatandaan namin ito para babalikan namin sa mga susunod na gabi o bago ang araw ng Pasko. Ganoon kahalaga ang limang piso noon.

Anyway, mga kids huwag muna kayong mabahala o malungkot dahil may pag-asa pa para kayo ay payagang makapag-caroling.

Ayon sa DILG, nasa local government units (LGUs) kung kanilang papayagan ang mga bata na makapag-caroling. May pag-asa pa nga ano mga bata. Ang LGUs na ang gagawa ng alituntunin para sa mga bata. Siyempre, nandiyan po kasi ang ikokonsidera ang para sa seguridad ng mga bata. Tandaan natin na nandiyan pa rin ang CoVid 19.

Kaya kids huwag maging matigas ang ulo kung sakali – kung sakaling bawal o talagang hindi kayo pinapayagan ay tiis-tiis na lang muna, tutal nandiyan naman sina ninong at ninang pero kung kayo naman ay papayagan ng LGUs, well and good kaya lang…asahan natin kapag sila-sila lang – mga bata ang makapagka-caroling, asahan natin iyan na makalilimutan nila ang health protocols. E kung ang matatanda nga ay nakalilimot at matitigas ang ulo, mga bata pa kaya.

O paano kids, tiis-tiis na lang muna kung sakaling tuluyan kayong pagbawalan na mangaroling…marami namang paraan para makapag-caroling – online caroling na lang kayo sa mga tiyo, tita ninyo, kina ninang, ninong at sa mga kaibigan ng mga ate at kuya ninyo at kaibigan ng mga magulang niyo.

Yes, online caroling na lang kayo sa kanila at maaari naman nilang ipadala ang kanilang aginaldo sa pamamagitan ng GCash. Sa GCash o paymaya, hindi lang piso o limang piso ang ipadadala nila kung hindi tiyak na higit dito. O ‘di ba ligtas pa kayo sa estilong ito at mas malaki pa ang kita? Habang sina tito at tita etc ay inakala nilang ligtas na sila.

Malamig na…Paskong-Pasko na talaga. Brrrr…hindi na kailangan pang pumunta sa Baguio.

About Almar Danguilan

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …