Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial Diego Loyzaga AJ Raval

Barbie ipagpapalaban si Diego hanggang dulo

REALITY BITES
Dominic Rea

SA   isyung kinasa­-sangkutan ni Barbie Imperial kay AJ Raval ay mismong si Diego Loyzaga na ang nagsabing walang dapat sagutin o bigyang linaw ang kanyang girlfriend.

Sa virtual mediacon ng pelikulang Dulo na bida ang mag-partner, inunahan na ni Diego ng pakiusap ang entertainment media na huwag silang tanungin ukol sa issue kundi patungkol na lang sa pelikula nilang mapapanood sa December 10 sa Vivamax. 

Sa isang tanong ko kung hanggang saan ang pasensiya ni Barbie pagdating sa isang relasyon, sinabi nitong nakahanda siyang ibyahe hanggang dulo ang pagmamahalan nila ni Diego.

Sinabi rin nitong dumarating sa isang relasyon o lovelife ang mapagod pero kaya niya itong panindigan hanggang dulo. At kapag hindi man umabot hanggang dulo ang isang relasyon ay tatanggalin niya ito at aalahanin na lamang ang magagagandang alaalang binigay sa kanyang buhay.

Binigyang puri rin ng mag-jowang Diego at Barbie ang kaibigan nilang si Direk Fifth Solomon. Anila, magaling si Fifth bilang isang baguhang direktor at maganda ang naging treatment sa kanila during the shoot. Barkada o kaibigan na pala ni Barbie si Fifth bago pa man niya ito nakatrabaho sa pelikulang ito.

Sinabi pa nina Diego at Barbie na umaasa silang mas malayo pa ang mararating ni Direk Fifth dahil matalino rin ito at magaan katrabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …