Monday , April 28 2025
Rizal Memorial Sports Complex PSC

PSC may pahayag tungkol sa pagbabalik-traning sa kanilang pasilidad

INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) board ang pagbabalik sa training ng napiling national teams sa January 10, 2022, sa Rizal Memorial Sports Complex (Manila City), Philsports Complex (Pasig City) at Baguio Training Camp (Baguio City).  Ang nasabing probisyon ay nakadepende sa maraming konsiderasyon para sa kanilang kaligtasan bago ang pinal na implementasyon.

Pinag-aaralan pa ng ahensiya ang nararapat na pasilidad na puwedeng gamitin sa nasabing  ensayo. 

Ang  patuloy na koordinasyon sa MPA-IATF sa Philsports, Pasig at sa Baguiio City local government unit ay isinasagawa para masiguro ang lahat ng pag-iingat para sa proteksiyion ng ating national team members.

Sa kasukuyan, isinasagawa ang ‘dormitory repairs’ sa naging damage  resulta ng malalakas na ulan na nadiskubre sa naging inspeksiyon ng PSC Engineering team.

Ang board ay temporaryong inaprubahan ang health-safety guidelines na dinebelop ng PSI-MSAS na ipatutupad sa lahat ng training areas,   na may adisyon ng pagbabago sa ilang provisions.  Ang guidelines ay ibinase sa PSS-GAB-DOH Joint Administrative Order No. 2020-0001

Lumikha ang PSC ng Technical Working Group na magsasagawa ng nararapat na preparasyon, kasama ang pagsasapinal ng sports na papayagang pumasok sa nasabing pasilidad.

Ang lahat ng ‘concerned national sports associations’ ay inaatasan na magsumite ng kanilang health-safety protocols para sa approval ng PSC Medical Unit.

Istriktong magiging reglamento ang no-vaccine-no entry policy sa nasabing pagbabalik ng training.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …