HATAWAN!
ni Ed de Leon
HOY mukhang bumalik na ang porma ni James Reid. Kung noong mga nakaraang buwan mahahalata mong tumaba siya at lumaki pati na ang mukha, ngayon ay nagbalik na ang dati niyang porma na kitang-kita roon sa video niya sa Boracay na naglalakad siya nang nakatapis lang ng tuwalya.
Kinabukasan ang lumabas naman ay picture niyang kahit na may polo, wala namang pants at naka-briefs lang. Mukhang nagbabalak na nga siyang mag-come back at desidido siyang kung nagpa-sexy noong araw, gagawin pa niyang mas matindi ngayon. Palagay namin kung ganyan ay baka makuha niya ulit ang suporta ng publiko. Alalahanin ninyo, noong una siya ang kalaban ni Daniel Padilla, at ang advantage niya puwede nga siyang magpa-sexy. Mukhang ngayon uulitin niya ang dating formula na nagpasikat sa kanya.
Kung may magtitiwala lang ulit kay James na susugal ng puhunan sa kanya, at may magha-handle sa kanyang matino at susundin niya, palagay namin makababalik iyan.