HATAWAN!
ni Ed de Leon
“MANIWALA ka sa akin Tito, he’s gay,” sabi ng isang male star tungkol sa isang baguhan na pilit na ibini-build up bilang isang matinee idol.
“I saw him with…….in the props room then,” dugtong pa ng aming source na nagkuwento kung ano ang hindi niya sinasadyang makita nang lumabas siya sa studio para manigarilyo.
Sinasabi niyang sa iba pang male stars ng network ay alam na alam iyon, kasi nga marami na sa kanila ang sumubok para mapatunayan kung talagang bading ang baguhan, at nagkakapareho sila ng kuwento.
Sayang ang newcomer. May hitsura pa naman at possible talagang maging matinee idol, pero sa ikinikilos niya, mukhang mas gusto yata niyang malinya bilang isang impersonator.
Aba eh marami na ang nagsarang comedy bars at may surplus na ng mga baklang performers, ano naman ang chances niya kung iyon ang papasukin niya