HATAWAN!
ni Ed de Leon
USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang gay bar sa San Juan at ang kanyang mga “after show escapades” din noon. Umasenso siya nang makuhang isang model, pero tumaas man ang level, ganoon pa rin. Usapan din ang mga “escapades” niya kasama ng mga gay designer at iba pang rich gays.
Pero ngayon, nagpipilit siyang magpaka-wholesome at ikinakaila niya ang mga nakaraan.
“Buti sana kung walang ebidensiyang nagkalat sa internet hanggang
ngayon,” sabi ng isa naming source.