Monday , December 23 2024
Sir Jerry Yap JSY Gloria Galuno Mommy Glo

Memories with JSY

“LET us always find opportunities to be with the people we value the most. Life is short and is getting shorter nowadays. Miss you guys!”

         Mensahe ito mula sa isang malapit na kaibigan at kumare nang i-post ko ang isang memory mula sa Facebook. Biyahe naming magkaklase sa Baguio, sa bahay ng isa pa naming kaibigan at kumare rin.

         Tapos bigla kong naalala, bakit nga pala walang lumalabas na memory namin ni Sir Jerry (JSY) sa Facebook?

         Ilan lang din ang photos na magkatabi o magkalapit kami, mas madalas nasa group picture kami.

         Napaisip ako…

Sa loob ng 17 taon, mula nang magkakilala kami ni Sir at naging empleyado niya ako, kahit magkalapit ang work station namin sa office, ni hindi ko naisip na magpakuha ng picture na kaming dalawa lang, maliban noong 50th birthday ko.

         Hindi ko naisip ‘yun, siguro dahil araw-araw naman siyang nagpupunta sa office. Bukod pa ‘yung tawag niya sa umaga at tatawag pa ulit kapag nakaalis na para ipaalala ang mga bilin niya.

Mahilig magbilin at magpaalala si Sir lalo na kung mayroon kaming pinaghahandaang events.

         Hindi “nagging” ang estilo ng pagpapaalala niya. Very cool. Isa lang ang tanong niya, “Kumusta?” ‘Yun lang tapos magre-report na kami at ia-update na namin kung ano na ang development.

         Sasagot siya, “Okey, good, good.”

         Sa last quarter ng bawat taon, nagugulat na lang kami, dumarating na ang mga kitchen and home appliances sa office. Simula iyon ng paghahanda ni Sir para sa aming Christmas party.

         Simula yata nang naging “boss” namin si Sir, ganoon ang tradisyon niya. Tatlong ikot ang raffle ng mga home and kitchen appliances.

         Sabi nga, walang uuwing luhaan, lahat masaya. May nagpapalitan ng nakuhang appliances, dahil may washing machine pa sila, o kaya naman palitan ng electric fan to oven toaster. At nang mauso ang microwave, literal na umulan ng microwave sa aming Christmas raffle.   

         Hindi lang raffle, mayroong parlor games, cold cash ang premyo. Ipakita na ninyo lahat ng talent ninyo, at tiyak na hindi kayo mabibigo kay JSY.

         Pero hindi naman materyal na bagay lang ‘yung nagpapasaya sa isang tao, kundi ‘yung makita lang ni Sir na masaya at nag-e-enjoy ang mga empleyado niya sa Christmas party, ang saya-saya na rin niya.

         At ang isa sa pinakamagandang katangian ni Sir na hindi ko malilimutan, ayaw na ayaw niyang naghihitay ang mga tao na matapos ang program bago magpakain.

         Kapag halos kompleto na ang mga tao, ia-announce niya, “Let us all pray before we eat (lunch or dinner).”

         Kaya habang kumakain ang mga tao, nagsisimula na rin ang programa, raffle o kung ano pang activities.

         Tuwing umaalis si Sir sa office, hindi siya nagpapaalam. Ite-text niya si Ali, ang kanyang personal driver na higit dalawang dekada na rin sa kanya, para kunin ang bag niya. O kaya ay ipahahatid niya kay Bong Son. Tapos tatayo na siya, puwedeng deretso sa pinto o kaya pupunta muna sa CR, bago tuluyang lalabas.

         Sabi nga, “leaving without saying goodbye.”

         May pamahiin yata si Sir, ayaw niya ng salitang paalam na, “Aalis na ako.”

         Ang madalas lang niya sabihin kapag may ginagawa kami at inaabot na kami ng hatinggabi, “Pahinga na kayo, bukas na ulit ‘yan,” tapos aalis na siya.

         Ganoon lang.

         Kahit nitong nakaraang permanenteng paglisan niya sa pisikal na mundo ng tao, walang paalam, request lang, “O Glo, ipag-pray n’yo ako ha.” Seryoso ang boses pero hindi malungkot, may sigla at may pag-asa.

         Kaya, nagulat kami, nabigla, na hindi na pala siya babalik.

         Sabi nga ni Diane, “Hanggang sa death mo Papa ‘nabulabog’ mo kami. Bulabugin ka talaga!”

         We cried a lot, yes. Hanggang ngayon nga umiiyak pa kami, pero siyempre, mas masarap alalahanin ang masasayang alaala tungkol sa kay Sir. Ang magagandang bagay na may “domino effect” sa ibang tao.

         Para kay Sir JSY, hindi namin hahayaan na limutin iyon. Sa bawat taon, sa bawat panahon, titiyakin namin na lagi kang maaalala ng mga taong nakasalamuha, nakakilala, at naging kaibigan mo.

         Bon voyage Sir JSY.

Au revoir.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …