HATAWAN
ni Ed de Leon
DEPRESSED ang isang kilalang showbiz lesbian matapos na makipag-split sa kanya at tuluyan na siyang iwanan ng baguhang aktres.
Sanay kasi siyang siya ang nang-iiwan ng babae, ngayon lang siya iniwanan. Nangyari lang naman iyan dahil sinasabi ngang hindi na ganoon katindi ang kanyang impluwensiya sa industriya.
Noong matindi pa ang impluwensiya niya sa industriya, sino mang babae ang magustuhan ng showbiz lesbian ay tiyak na makukuha niya, kahit na sabihin mong may boyfriend pa iyon. Mas “pogi” kasi ang showbiz lesbian kaysa mga matinee idol man.
Pero ngayong wala na rin siyang lakas, nagawa na siyang iwanan ng female starlet na syota niya.
Kawawa rin naman siya. Ang nangyari sa kanya ay gaya rin naman sa karaniwang nangyayari sa mga showbiz gay.