HATAWAN
ni Ed de Leon
“COME back ko na naman sa 2022. Nagsimula ako nine years old, child star ako. Noong maging 11 o 12 na ako, hindi na ako puwedng child star, tumigil ako. Akala ko iyon na ending ng showbiz career ko. Tapos 15 ako, nagsimula na naman sila. Nakuha naman ako ni Atty. Espiridion Laxa. Palitan ang pelikula namin ni Tony Ferrer sa Tagalog Ilang-ilang, and that started what I was then. Tapos napasok ako sa politics, medyo napabayaan ang showbusiness for 23 years. Pero walang nagbago eh. Nariyan pa rin ang Vilmanians. Kahit na hindi ako makagawa ng pelikula sa dami ng trabaho ko, walang tigil ang pagpapadala nila sa akin ng scripts. Siguro nga ang iniisip nila baka hindi ko lang nagustuhan ang mga nauna. Baka kung may istoryang maganda talaga, isingit ko sa schedule ko.
“Ang totoo maraming magagandang istorya, movies I would have made, pero ayokong magsimula dahil baka mabitin dahil sa trabaho ko. Alam ko kung gaano kalaki ang losses basta na-delay ang pelikula. It is not choosing between two jobs. Hindi trabaho lang eh, iyong isa sinumpaang tungkulin sa bayan. Uunahin mo iyon sa ayaw at sa gusto mo. Iyong Vilmanians puwede mong pangakuan, ma-delay man maghihintay sila. Iyong bayan wala kang karapatang paghintayin sa serbisyo. Ipit ako talaga. Im an actress, pero public official din.
“Pero ngayon nga, after I decided to take a leave in politics, sabi ko nga mahaharap ko ulit ang pagiging aktres and I am not afraid to start anew. Nariyan pa rin ang mga tao sa industriya na naniniwala sa akin. Nariyan pa rin naman ang Vilmanians na nangangako ng suporta. Maganda ang timing dahil by 2022 magsisimula na tayong mag-recover. Mayroon na silang gamot sa Covid, by next year nasa Pilipinas na iyan at mabibili na sa mga botika. Ang projection, dahil nagbubukas na ang mga sinehan, bagama’t iyong iba isinara na nang tuluyan, babangon ang industriya ng pelikula. Kailangan natin ng malalaki at magagandang pelikula, at malalaking artista para makabangon talaga ang industriya. Sabay-sabay tayong kikilos ngayon para magawa iyan, and I am willing na makipagsabayan at magsimula ulit,” magabang sabi ni Ate Vi (Congw Vilma Santos).
“By next year, wala na rin iyong restrictions ko dahil sa trabaho. Hindi na ako congresswoman. Aktres na lang ako. Iyan ang propesyon ko ng mahigit 50 taon, isang propesyon na minahal ko talaga. Ngayon mababalikan ko at mabibigyan ng panahon talaga,” pangako pa ni Ate Vi.
Para na naming nakikini-kinita, magpapa-fiesta sina Jojo Lim at iba pang Vilmanians