Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda, Ion Perez

Vice nakatitiyak kay Ion ‘di nila susukuan ang isa’t isa

MA at PA
ni Rommel Placente

SA anniversary vlog nina Vice Ganda at Ion Perez, sinagot ng magkasintahan ang tanong kung sino sa tingin nila ang unang bibitaw sa relasyon nila. 

Ayon kay Vice, naniniwala siya na malabo na may sumuko sa kanilang pagmamahalan

Sabi ni Vice, ”Personally, ‘di ko nararamdaman sa’min ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ‘yung feelings namin sa isa’t isa, ‘di ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon. Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion.” 

Sinegundahan ito ng tanong kung sino sa kanilang dalawa ang mas lamang sa pagmamahal.

Paliwanag ni Vice, hindi niya maaaring ikompara ang pagmamahal na ibinibigay nila sa isa’t isa ng boyfriend niya.

“Siya naman ibinibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Natatanggap ko naman ang deserve ko. I’m trying to give what he deserves. Hindi ‘yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” ani Vice. 

“Hindi na rin mahalaga sa akin kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal . Sapat na ’yun.”

Sa nasabing vlog, naglaro sina Vice at Ion ng ”Who’s Who” game habang nagpi-picnic sa sikat na parke. 

Rito inamin ng dalawa na mas mabango, maayos sa gamit, at malinis sa katawan si Perez kaysa kay Vice. 

Ngunit si Vice naman ang mas mapagpasensiya, mas unang nanunuyo, at magaling humalik.

Ikinuwento rin ng mga ito na mas romantic at madalas maunang mag-’I love you’ si Ion kaysa kay Vice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …