HATAWAN!
ni Ed de Leon
KAYA pala tila kuntento na sa kanyang buhay ang isang dating poging sexy star ay dahil mayaman ang kanyang naging asawa. Iba na pala ang asawa niya, hindi na iyong Japayuki na una niyang naanakan. May “background” din naman ang misis niya ngayon, pero sinasabi nga niyang, ”mas ok naman ito kaysa maging kabit lang ako ng mga bakla.”
Mayaman na siya ngayon. Matatapos na raw at makapagbubukas na ang kanyang bagong restaurant. Wala pa naman silang anak ng bago niyang misis, pero nasa kanila ang mga anak nila sa una.
Pero paminsan-minsan, ang poging sexy star noong araw ay nakikipagkita pa rin sa kanyang gay friends, ”hindi ko rin naman mababale wala ang mga naging kaibigan ko at nakatulong sa akin noong araw. Basta ba hindi lang malalaman ni misis,” sabi pa niya.
Ganoon?