Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Jennylyn Mercado

FB post ni Jen ukol sa kanilang kasal binura

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

PARANG isang himala na nagdalantao si Jennylyn Mercado matapos nilang i-give up ang napakagastos na efforts nila ni Dennis Trillo na magkaroon sila ng sariling anak na mula sa pinagsanib nilang genes sa pamamagitan ng teknolohiyang “surrogacy.”

Nasa Amerika ang mga eksperto sa teknolohiyang yon, at doon nga sinubukan ng dating live-in partners na magka-baby sila. Pero ‘di umubra sa kanila.

Pero isang araw ay nadiskubre ni Jen na nagdadalantao siya. Parang isang himala ‘yon. 

Para siguro mabasbasan ang sanggol sa sinapupunan ni Jen kaya nagpakasal na sila ni Dennis kahit sa civil rites lang, hindi solemn o religious wedding. Noong Lunes idinaos ang kasal sa hardin ng isang studio sa Quezon City na pag-aari ni Kathryn Bernardo.

Kaunti lang daw ang dumalo, ayon sa isang ulat sa Pep.ph. Mga miyembro lang ng kani-kanilang pamilya, at ilang kaibigan ang inimbita nina Jen at Dennis.

Nag-post si Jen sa FB n’ya ng litrato nila ni Dennis. Ayon sa isang report sa Manila Bulletin: Jennylyn posted a picture of the wedding on Facebook. It was captioned: “Forever, you & me.” A few minutes later, she deleted the photo. Some netizens, however, were able to capture the picture.  

At dahil nga may nakapag-screenshot ng picture na ‘yon, ipinasa-pasa nila ang litrato, kaya kalat na rin ‘yon ngayon sa social media at sa traditional media. 

Pero isang kababalaghan kung bakit tinanggal ni Jennylyn ang post na ‘yon na wala namang nakaeeskandalo o nakadidiring detalye. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …