Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca

Jake nag-offer ng tulong sa rider na nabaril

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT din si Eleazar Martinito, iyong rider na tinamaan ng ligaw na bala ng mga pulis na bumabaril sa sasakyan ni Jake Cuenca, na sinabi nilang hindi tumigil ang aktor kahit pinahihinto ito.

Ang akusasyon ng mga pulis, na nagsasagawa pala ng buy bust operations, nasagi raw ng sasakyan ni Jake ang isang sasakyan nila. Pribado ang sasakyan, at ang humaharang at nagpapatigil kay Jake ay naka-civilian at nakita niyang may mga baril. Natural hindi naman niya naisip na pulis ang mga iyon, at kinabahan din siya dahil nakita niyang may mga baril, tinakbuhan niya. Hinabol siya ng mga iyon, at habang naghahabulan, binabaril ang kanyang sasakyan. May dumaplis na bala na siyang tumama naman sa rider na si Martinito. Kung iisipin mo, walang kasalanan si Jake kay Martinito. Ang nakabaril sa kanya ay iyong mga pulis. Isa pa, hindi naman normal at wala sa kanilang order of battle na kung may ganoong sitwasyon, barilin nila ang ayaw tumigil na sasakyan. Ang problema, hindi sila properly identified. Noong may dumating na lang pulis, tumigil si Jake dahil nasiguro niyang ligtas siya dahil may pulis na, at saka lang niya nalaman na pulis din pala ang humahabol at bumabaril sa kanya. Butas-butas ang mamahaling sasakayan ni Jake. Napatunayan naman nilang wala siyang dalang illegal, natakot lang kaya hindi tumigil. May tama pa ngang halos tumama sa tangke ng gasolina, na kung tinamaan tiyak sumabog na iyon at nasirang Jake Cuenca na siya ngayon.

Pero si Jake, dinalaw pa nga si Eleazar, na hanggang ngayon ay hindi pa nakababalik sa trabaho niya dahil sa nangyari. Bagama’t wala naman siyang kasalanan, nangako si Jake kay Ely na kung mayroon mang pangangilangan, kahit na kailan, kahit na walang kinalaman sa pagkakabaril sa kanya, basta may maitutulong siya ay handa siyang tumulong. Sinabi rin ni Jake na ipinagdarasal nga niyang sana ay gumaling na agad si Ely para makabalik na iyon sa kanyang trabaho, at nangako nga siya ng kahit na anong tulong na magagawa niya.

Iyan ang mabuting tao. Kung iisipin ano nga ba ang kasalanan niya roon. Siya nga binabaril din eh. Pero dahil alam niyang nangyari iyon dahil sa isang insidenteng kasangkot siya, dumamay pa rin si Jake. Ewan kung iyong nakabaril humingi man lang ng dispensa kay Ely. Tiyak naman alam nila kung kaninong bala ang tumama sa pobreng rider na naghahanapbuhay lang naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …