APROBADO sa Metro Manila Council (MMC) ang MMDA Resolution No. 21-25, kaya simula sa 15 Nobyembre, magkakaroon ng pagbabago sa operating hours ng shopping malls.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa ganap na 11:00 am hanggang 11:00 pm ang mall operating hours kada weekdays para makatulong na mapagaan ang daloy ng mga sasakyan ngayong papalapit na ang Christmas season.
Limitado rin ang pagsasagawa ng mall sale tuwing weekend at holidays.
Ang MMC na kinabibilangan ng 17 local government units ng Metro Manila, ay governing body at policy-making body ng MMDA. (GINA GARCIA)