Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Notoryus na holdaper at carnapper
KELOT TIKLO

HINDI nakapalag sa Taguig police ang itinurong miyembro na tinaguriang Sta. Ana carnapping group na sangkot sa panghoholdap sa isang Indian national, sa isang convenience store sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Marvin  Padilla, alyas Kalbo, 33 anyos.

Sa report na natanggap ni Taguig  chief of police (COP) P/Col. Celso Rodriguez, si Padilla ay dinampot at pinosasan ng mga awtoridad sa isinagawang SACLEO sa Manuel  L. Quezon St., Barangay Bagumbayan, Taguig .

Napag-alaman na si Padilla ay sangkot sa sunod-sunod na holdapan at dawit din sa reklamong panghoholdap sa isang Indian national.

Responsable umano si alyas Kalbo sa robbery

hold-up sa isang convenience store kamakailan at nakawan ng motorsiklo.

Nakompiska kay Padilla ang .38 caliber pistol at mga bala.

Inaresto rin sina Raymond Cahanap, alyas Manok, Rodolfo Bernardino, at si Joenel Allan Gonzales, isang welder na kasama ni Padilla na nahuling nagsusugal ng cara y cruz sa naturang lungsod. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …