Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 Vaccine Fake news

‘Fake news’ vs bakuna pananagutin — NCRPO

NAGBABALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga nagpapakalat ng ‘fake news’ tungkol sa pagbabakuna, na mayroong kaakibat na parusa sa ilalim ng Republic Act 11469 Section 6 (F) na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon kay NCRPO Regional Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa kasalukuyang data, ipinakita nito na ang pagpababakuna ay hindi lamang proteksiyon sa sarili bagkus ay pati sa pamilya at komunidad upang mabawasan ang tsansang mahawaan ng virus.

Paliwanag ni NCRPO chief, sa 22,394 personnel tanging 206 o katumbas ng 0.95% ang nahawaan ng virus, habang 14 o 2.95% out of 469 nabakunahan ng first dose at 8 o 0.82% ang nakakompleto ng 2nd dose.

Umabot sa 192 personnel ang hindi nabakunahan 95 o 49.48%  ang nahawa.

Aniya, sa ngayon nasa 22,384 o 97.13% ng NCRPO personnel ay fully vaccinated na habang  475 o 2.04% ay nasa first dose pa lang.

Ang naturang data ng NCRPO ay malapit sa kanilang vision na 100% vaccination standard sa kanilang mga tauhan at tanging 192 o 0.83% ang hindi pa nabakunahan dahil sa  medical condition at iba pang mga kadahilanan.  (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …