TINALAKAY ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tungkol sa Filipino International sports officials sa webisode ng Rise UP, Shape Up nung Sabado, Oktubre 23.
Ang PSC – Women Sports (WIS) program ay inalay ang episode sa sports officials na nagbibigay ng matinding pagpupusige at kontribusyon para maiangat ang integridad, respeto, at good sportsmanhip sa laro at kompetisyon.
“It is our simple way of extending our gratitude to them for their selfless effort, passion, and love for sports especially in producing world-class Filipino talents,” pahayag ni WIS oversight Commissioner Celia H. Kiram.
Ang lady commissioner ay ibinahagi rin ang ilang facts at trivia ng sports officiating sa kanyang regular na segment “Kuwentong Isport,”
Tampok ang limang Filipina technical officials na naging parte ng technical teams sa katatapos lang na 2020+1 Tokyo Olympic Games sa naging webisode. Sila ay sina Marilee Estampador at Karla Cabrera, International Technical Officials for Fencing; Jercyl Lerin at Coach Leonora Escollante, International Technical Officials for Rowing and Paddling, ayon sa pagkakasunod.
Ibinahagi nila ang kanilang ‘learning experiences’ sa officiating sa top-level competitions katulad ng Olympics at nagparte rin sila ng ‘insights’ para sa mga may balak na sumabak sa sports officiating bilang career.
Kasali rin sa programa si Dr. Marie Paz Angeles, na nagpahayag tungkol sa tatahaking career at development para nagbabalak na maging sports officials.
Si Dr. Angeles ay nagsilbing Head and International Accreditor of Tarlac State University in partnership with the Russian Register based in St Petersburg, Russia. Siya ay kasalukuyang Chairperson ng Tarlac State University Research Ethics and Review Committee at co-chair ng Psychological Association of the Philippines Educational Psychology Division.