Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim sobrang nalungkot sa pagyao ng manager

NAGLULUKSA ngayon si Kim Rodriguez sa pagyao ng kanyang manager at tumatayong pangalawang ina, si Jennifer Molina dahil sa karamdaman.

Si Jenny kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ang CEO & President ng Russell’s Talent Agency na manager din nina Elijah Alejo, Ken Ken Nuyad, Yuna Tangog, Joana Marie Tan atbp..

Ayon kay Kim, “Sobrang nalungkot po ako sa pagyao ni Mama Jenny dahil kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ako artista ngayon.

“Siya kasi ‘yung naka-discover sa akin at siya na rin ang tumayong pangalawang ina ko, dahil nasa Japan ang mommy ko.”

Dagdag pa nito, “Siya rin ang nagturo sa akin para magnegosyo, kaya may mga negosyo ako ngayon, mami-miss ko ‘yung pagiging sweet niya at mga pangaral niya sa akin.

“Mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko siya malilimutan habang ako’y nabubuhay.

“Sana ay patuloy niya pa rin akong gabayan pati na rin ang iba pa niyang mga alaga.” pagtatapos ng Kapuso actress.

–30–

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …