ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis na ang kanyang boyfriend ay isa palang boylet ng isang bata pa at nanatiling nakatagong bading na matinee idol.
Pero hindi lang naman daw ang syota niya ang nakaka-date ng batang bading na matinee idol. Maging ang isa pang pogi ring boyfriend ng isang aktres ay nakaka-date rin umano niyon.
Ang batang bading na matinee idol ay mukhang mahilig sa mga poging boyfriends ng mga aktres. Hindi namin alam kung ano naman ang pang-akit ng batang gay matinee idol sa mga pogi.
Lagi naming sinasabing “batang gay matinee idol,” dahil iba naman ito sa sikat na matinee idol na talaga namang bading at kulang na lang magladlad noon pa.
(Ed de Leon)