INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na openly gay. Mali ang sinasabi nila na dinatungan pa ng openly gay male star ang silahis, hindi raw totoo iyon dahil “pogi rin naman siya at saka magaling,” sabi ng silahis na gigolo.
Nagpapabayad lang daw siya kung hindi niya type ang gay, lalo na kung matatanda na ang mga iyon, pero ok lang sa kanya kung maa-afford naman ang rate niya.
Wala siyang takot na mahawahan ng Covid ha. Hindi lang AIDS, dahil sinasabi niyang payag siya kahit na sa unusual sex, kundi ang mas mabilis makahawang Covid at marami iyong wala kang nakikitang symptoms pero carrier ng virus. (Ed De Leon)