MATABIL
ni John Fontanilla
ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon pa pala ay marami na ang kumakausap sa CEO/President ng Frontrow na si Raymond RS Francisco para sumabak sa politics.
Marami kasi ang naniniwala sa kakayahang tumulong nito sa ating mga kababayan, lalo na’t likas at nasa puso nito ang pagtulong.
At kahit wala pa nga itong posisyon sa gobyerno ay napakarami na ang natulungan mula Luzon, Visayas, at Mindanao kaya naman mas marami pa itong matutulungan kapag nagkaroon ng posisyon sa gobyerno.
Pero ayon kay Direk RS, wala sa hinagap ng kanyang isipan ang tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.
Aniya, “Ako wala at all ! I’ll never be involved in politics.
“We don’t need to be in office to help? Kaya na natin ‘yun with our own efforts.
“Kung gusto talaga ng isang tao tumulong.. no one’s gonna stop him for doing so.
“For me, focus lang ako sa things on hand now,” giit pa ni Direk RS.