ni ROSE NOVENARIO
NAGBALIK ang pag-asa na mapapalitan ng luha ng kaligayahan ang naranasang kapighatian ng bansa sa mga nakalipas na buwan sa pagsabak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa 2022 presidential race.
Nakita ito ni Dr Willie Ong kaya pumayag na maging vice presidential running mate ni Moreno sa 2022 elections.
“Yes, I agree to be Isko’s Vice President. But I will do it my way. I will not bash anyone. I will not follow any script. I am ready to sacrifice… use me as you will…” ito sagot ni Doc Willie sa sugo ni Mayor Isko na si Lito Banayo at pagkatapos noon siya ay napahagulgol ng iyak.
Sa kanyang bukas na liham para sa mga kaibigan na ipinaskil sa kanyang Facebook account, inamin ni Ong na siya mismo ay nag-akala na nakalimutan na ng Diyos sa nakaraang ilang buwan ang mga Filipino.
“A few months back, I thought God has forgotten our country. With Isko, I cling to the hope that God has a plan for us. He will wipe away every tear. And there will be tears of happiness in the future,” sabi ni Ong.
Matapos aniya silang mag-usap ni Moreno ay ipinagkaloob niya ang tiwala sa alkalde dahil binigyan siya ng basbas na mamahala sa mga problema sa kalusugan sa bansa kapag pinalad silang maihalal sa susunod na taon.
Pareho aniya sila ng adhikain ni Moreno na makatulong sa milyon-milyong Pinoy at nagawa na ito ng alkalde sa Maynila sa tulong ni Vice Mayor Honey Lacuna na isang doktor rin.
“So what made me join Isko and trust him? He was the one who gave me the green light to help manage our country’s health problems. Together, he said we will help millions like what I dreamed. He has done it in Manila with a doctor as his partner.”
Sa kabila ng mga ganitong pangako at posibilidad na magbago ang kandidato kapag nanalo, malakas ang kutob at taimtim ang panalangin ni Ong na binibigyan proteksiyon ng Diyos si Moreno at ang sambayanan.
Nangako si Ong na kapag nanalo si Moreno, ilalaan niya sa susunod na anim na taon ang lahat ng kanyang makakaya sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Sa kabila ng agam-agam at pagharap sa mga hamon ng pandemya, tiniyak ni Ong, itataya ang lahat upang lahat ng kanilang magiging desisyon ay manggagaling sa dalisay na puso at pagmamahal sa mga mamamayan.
“If Isko wins, I have promised to devote the next 6 years to doing what I can inside his government. I am afraid, but I will try my best. There will be ups and downs with CoVid for sure. But all decisions will be borne from a pure heart and a pure love for our people.”
Inilahad niyang hindi naging madali ang pagpapasya na bumalik sa politika matapos matalo noong 2019 senatorial elections dahil nakatutulong naman siya sa pamamagitan ng online charity na isinusulong nila ng kabiyak sa pusong si Dra. Liza Ong.
Ngunit nang manalasa ang CoVid-19 sa bansa, wala na siyang makitang hangganan nito dagdag pa ang pag-aruga sa kanyang inang nakaratay bunsod ng stroke at severe pneumonia.
Nakatanggap ng tawag si Ong mula sa kampo ni Moreno para sa isang pulong sa alkalde at inihayag niya ang pagtanggi sa unang alok na maging bahagi ng senatorial line-up dahil kontento na siya sa pagtulong sa mga maralita.
“As we parted, Isko said, ‘Even if you don’t join my ticket, I will still seek your help if I become President’.”
Ani Ong, naging balisa siya sa mga susunod na araw, naalaala niya ang pahayag ni Moreno na komportable siyang katrabaho ang isang doktor kaya bumili ang lokal na pamahalaan ng Remdesivir at Tocilizumab, ipinakita ang mga ipinatayong bagong ospital, mga libreng CT-Scans, portable X-rays at dialysis centers.
Dalawang araw bago pumanaw ang kanyang ina ay muling tinawagan si Ong ni Lito Banayo, campaign manager ni Moreno, at sinabing nais ng alkalde na maging vice presidential running mate siya dahil mararanasan ang CoVid-19 hanggang 2024 at maaaring may darating pang ibang pandemya kaya’t gusto siyang makatambal sa paglaban dito.
“Is he serious? I had zero ratings as VP. I could hear the bashers typing. I had sleepless nights, tumbling and troubled. My mom was near the end already. And on the day she passed, I had decided. There will be no political negotiations, no requests on my part should I accept this.”
Nang bawian ng buhay ang kanyang ina at bago ilibing ay tumawag muli sa kanya si Banayo upang igiit ang hirit na maging VP siya ni Moreno.
“‘Yes, I agree to be Isko’s Vice President. But I will do it my way. I will not bash anyone. I will not follow any script. I am ready to sacrifice… use me as you will…’ and this is where I broke down crying. In a haze, I could hear Lito’s voice cracking too.
Sabi ko, “Our country needs hope and healing. Millions of lives are waiting. Let’s do this.”