Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catherine Yogi

The Magic Touch ni Catherine Yogi sa Channel One Global, umarangkada na

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INTERESTING ang naging tsikahan sa pilot episode ng online show ni Ms. Catherine Yogi sa Channel One Global titled The Magic Touch.

Si Catherine ay 20 years nang nakabase sa Japan at kabilang sa pinagkaka-abalahan niya roon ang business niyang Cathy Salon by Naked Beauty. Siya ay tubong Aurora, Quezon at nanalong Mrs. Tourism World Japan-Philippines 2021.

Unang ininterview ni Ms. Catherine si Lovely Rivero, tapos ay ang aktor/direktor na si Mike Magat, kasama kami ni katotong Roldan Castro. Base sa aming obserbasyon, kahit baguhan ay may-K maging host si Ms. Catherine.

Ano’ng reaction niya sa ibinigay sa kanyang break dito? “I feel very lucky and overwhelmed,” matipid na sagot ni Ms. Catherine.

Inusisa rin namin kung ano ang ginawa niyang preparation bilang host ng The Magic Touch? “First of all nag-research po ako, pinanood ko po ang mga favorite kong TV host and sa kanila po ako na-inspired.”

Ano ang na-feel niya nang umere na ang kanyang show at ini-interview na niya si Ms. Lovely? “Sobrang excited and na-starstruck na ako dahil reality na po ito, feeling ko’y nananaginip pa rin ako,” nakangiting wika niya.

May ibinigay bang payo sa kanya si Direk Mike, as a host nito? “Yes po, of course! Marami po siyang itinuro sa akin like presence of mind and be

Natural. And bilang message ko kay Direk, ‘Thank you so much for the opportunity you gave me, ung hindi po dahil sa inyo ay wala ako rito sa Channel One Global’.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …