I-FLEX
ni Jun Nardo
DESIDIDO talaga ang Bureau of Internal Revenue o BIR na buwisan ang mga social media influencer ayon sa report sa radio DZBB.
Napasakamay na raw ng BIR ang mahigit 200 plus na influencers na kumikita sa ginagawa nila. Maituturing na self employed sila kaya kailangang magbayad din ng tax.
Sundin naman kaya ng influencers na ito ang directive ng BIR? Aba, maging law-abiding citizen, huh!
Balitang inaabot sa milyones ang kita ng ilang influencers, huh! Pati nga mga artista at ilang personalidad ngayon, may channel na sa You Tube. Alam na nang influencers na may pera sa YT at iba pang channels sa social media.