Sunday , December 22 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Talo ng COWVID ang COVID

PROMDI
ni Fernan Angeles

WALA maski isang dalubhasa ang makapagsasabi kung kailan matatapos ang lintek na pandemya. Bagkus, marami sa kanila ang nagsasabing mahaba-haba pa ang pagdurusang kakaharapin ng mga Filipino sa dalawang dahilan – ang patuloy na banta ng pandemya at ang patuloy na paggamit sa pandemya para tumiba.

Sa pagtatala ng mga eksperto, magpapatuloy pa ang paghahasik ng prehuwisyong dala ng CoVid-19. Paliwanag ng mga dalubhasa, ang CoVid-19 ay isang virus na batay sa pag-aaral ay patuloy lang ang mutation (pagpapalit-­wangis) hangga’t hindi napupuksa ng isang mabisang pangontra rito.

Katunayan, pumalo na sa 12 ang mutated strains na sumibol mula sa original na virus mula sa Wuhan, China. Sa bawat mutation, mas mabagsik ang dalang prehuwisyo. Ang ibig sabihin nito’y mas delikado, mas mabilis makahawa at may kakayahang kumalat sa mas maraming tao.

Sa kabilang banda, mas malaking pangamba ang nakaambang prehuwisyo ng mga mapagsamantalang tila pista sa pagdurusa ng iba. Sila yaong mga tao sa likod ng sindikatong sumisipsip sa dugo ng bawat Filipino – mga kapitalistang kasabwat ng mga tiwali sa pamahalaan.

Ang kagandahan, mayroon tayong Commission on Audit (COA) na matapang na nag-uulat sa mga nagaganap na pangungupit ng mga switik.

Kaya lang parang hindi sapat ang tapang ng COA. Ang tangi lang nilang kakayahan ay suriin ang paraan kung paano ginagamit ng mga taong gobyerno ang pondong mula sa buwis ng mga Filipino. At sa tuwing may bulilyaso, mandato ng COA na alalayan ang ano mang tanggapan ng gobyerno sa pagwawasto sa ilang aspekto.

Ni wala silang kakayahang magsampa ng kaso. Wala ito sa mandato ng COA.

Sa kabila nito, tila nakaiinitan pa sila ngayon. Bakit nga naman hindi, ang sindikato sa gobyerno, biglang nabuko. Kaya ang direktiba ng Pangulo, Hoy! COA manahimik muna kayo.

Hay naku, kawawang bayan ko… Ang pandemya ginawa pang gatasang baka. Kaya naman dapat nang ipanukala sa ­Kongreso ang pagpapalit ng pangalan ng salot. Mula sa taguring CoVid-19, bakit hindi na lang tawaging COWVID-19?

Tutal, mistulang bakang ginagatasan din lang naman ng mga tiwali, mapagsamantala at ganid na kapitalista ang dusa ng mamamayan. At least, swak sa panlasang Filipino at angkop sa kaganapang totoo.

***

Sa Antipolo, patuloy ang ginagawang granular lockdown ng pamahalaang lungsod sa mga lugar kung saan laganap ang hawaan. Katunayan, kabi­lang sa mga isina­ilalim sa mahigpit na pagbabantay ang Ursula Compound na matatagpuan sa Milagros Subdivision, Barangay Dalig.

Ang siste, ang mga nagbabantay tila tollway lang sa expressway – hindi puwedeng dumaan kung walang pambayad. ‘Yan mismo ang sumbong sa atin ng isang mapagmatyag laban sa mga nagbabantay sa nag-iisang entrada ng nasabing lugar sa Barangay Dalig.

Aniya, labas-pasok ang mga residente sa naka-lockdown na lugar na tila ba isang hayagang pagbalewala sa ipinatutupad na paghihigpit ng gobyerno.

Magkano kaya ang bayad sa tollgate ng Milagros Subdivision? Itanong natin sa Kapitan ha… baka kasi alam niya ang eksaktong singil sa mga naglalabas-pasok na positibo. 

About Fernan Angeles

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *