Sunday , December 22 2024
Liza Diño, CineIskool Short Film Lab and Festival, #MyKwentongUniFAST, CHED, UniFAST, FDCP

CHED, UniFAST, FDCP, inilungsad ang film lab at filmmaking workshop

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Commission on Higher Education (CHED), Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST), at Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay ilulungsad ang dalawang film projects para makilahok ang mga mag-aaral sa film labs at vlog webinars na hahasa at maglilinang ng kaalaman sa film production.

Sa ginanap na virtual press launch, ang short film lab project na CineIskool Short Film Lab and Festival at #MyKwentongUniFAST webinar series ay iprinisinta sa media. Ito’y pinangunahan nina CHED at UniFAST Board Chairman Popoy De Vera at FDCP Chairperson Liza Diño.

Bukas ang CineIskool Short Film Lab and Festival sa student-beneficiaries ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act or Republic Act 10931. Sampung proyekto ang pipiliin mula sa mga kalahok na student beneficiaries at bawat isa ay pagkakalooban ng P125,000 grant para sa five-minute short film na tatalakay sa kahalagahan at benepisyo ng free tertiary education.

Gaganapin ang isang film festival upang kilalanin ang sampung best films mula sa film grants.

 Ang #MyKwentongUniFAST project ay magha-highlight sa serye ng webinars na tampok ang mga kuwento ng RA 10931 beneficiaries na magtuturo sa participants kung paano gumawa at mag-edit ng digital content sa pamamagitan ng vlogging.

Ang mga eksperto sa digital contents at kilalang vloggers ay makikilahok para magbigay ng lectures sa mga piling participants, nationwide.

Ayon kay UniFAST OIC Executive Director Ryan Estevez, maliban pag-promote sa mga programang ito sa publiko, ito ay pagkakataon na rin para sa mga baguhang filmmakers na mahasa ang kanilang talento sa paggawa ng pelikula.

“As we take advantage of the various online formats and platforms that the youth can use to tell their stories, we hope that #MyKwentongUniFAST and CineIskool will help us discover a new generation of filmmakers with the talent and voices that we can mold and empower. We thank CHED and UniFAST for this partnership and look forward to giving our young filmmakers the tools and training sessions that can help them produce their tales and experiences of free higher education,” wika ni FDCP Chairperson Diño.

Ang FDCP ay ang pambansang ahensiya na naatasang ipatupad ang mga patakaran at programang magtataguyod at magsusulong ng industriya ng pelikulang Pilipino. Parte ng mandato nito ang mai-preserve at maprotektahan ang ating mga pelikulang bahagi na ng pamana ng kulturang Pinoy.

For more information, please contact: UniFAST Secretariat (63) 998-9852955 or email [email protected] FDCP Secretariat (02) 8256-9948 or email [email protected]

About Nonie Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *