Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo

Bea excited matikman ang menudo ni Marian

Rated R
ni Rommel Gonzales

HINDI nagkaila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa paghanga niya sa pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nakatrabaho na noon ni Bea si Dingdong sa isang pelikula at looking forward naman siya ngayon na makasama at makilala pa si Marian ngayong nasa iisa na silang network. At excited din siyang matikman ang menudo na specialty ng Kapuso Primetime Queen.

“I’m looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya. Sana potluck kasi gusto ko rin magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya,” nakangiting sambit ni Bea.

Sa nakaraang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV noong September 1, nagpaabot ng special message sina Marian at Dingdong kay Bea. At kahit virtual ay ramdam ni Bea ang pagiging welcoming sa kanya ng Kapuso artists kabilang na rin nga ang DongYan.

“I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends,” ani Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …