Kinalap ni Tracy Cabrera
MANILA — Alam n’yo ba na pinagdiwang nitong nakaraang Martes, Agosto 31, ang World Distance Learning Day.
Kung hindi n’yo man alam, hindi na dapat pang ikagulat na may pagdiriwang na ganito dahil ang mundo ay nakakaranas ngayon ng paghihirap sa sektor ng edukasyon sanhi ng pandemya ng coronavirus. Nagdiwang ang daigdig ng kaarawang ito upang yakapin ang pag-aaral na nagaganap sa labas ng mga silid-aralan. Alin man kung ito ay remote learning program na hinahatid ng malayuan o isang hybrid blend ng in-classroom at home learning, ang karagdagang flexibility at mas cost-effective na pamamaraan ng distance learning ay pinapakinabangan ng mga mag-aaral sa buong mundo.
Sa nakalipas na panahon, ang internet at ang nagresultang paglaganap ng high-quality online curriculum at mga kurso sa edukasyon ay sadyang binago ang tradisyonal na paraan ng pagtuturo at pag-aaral at nagsilang ng popular na distance learning movement. Kaya nga ang Agosto 31 ay isang petsang dapat kagalakan dahil sa mga distance learning opportunity na ating nagag amit ngayon at napapakinabangan sa iba’t ibang bansa.
Subalit sa paggunita bago sumapit ang Covid-19, ang mga pasilidad sa pag-aaral ay hindi tunay na “few clicks away.” Noong 1728, itinutulak ni Caleb Phillips ang kanyang mga tinuturong bagong pamamaraan ng shorthand sa Boston Gazette, na ang mga leksyon ay hinahatid sa pam amagitan ng koreo ng lingguhan.
At noong 1840s, pinalawig pa ang ideya ni Sir Isaac Pitman dahil nagtuturo din siya ng shorthand gamit ang koreo, at pinapadala ng kanyang mga estudyante ang kanilang ginawa sa mga postcard, na kanyang itinatama at ibanabalik sa kanila. Lumagan ap ang kurso ni Pitmansa popularidad at sa loob lamang ng ilang taon, naitatag ang Phonographic Correspondence Society para pormal na ialok ang mga kurso ng pag-aaral. Ito ang nagbunsod para magkaroon ng mga kolehiyo at sa pagsapit ng 1873 naitatag ang kauna-unahang correspondence school sa Estados Unidos.
Simula nito’y nag-alok na ang mga unibersidad ng distance learning options at lalo pang pinaigting ito ng Open University noong 1960s. Nag-alok sila ng nirerespetong alternatibo sa tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral at nanguna sa pag-develop ng mga bagong teknolohiya at mga paraan ng pagtuturo.
Lalo pang lumawak ito sa pagdating ng internet, para maging mas madali, mabilis at mura ang distance learning. Dumating ang unang kompletong online course noong 1984 at simula noon ay naging mabilis na ang pag-unlad nito.
Ang World Distance Learning Day ay itinatag para magpataas ng awareness ng mga learning resource at option na available sa mga mag-aaral para ipagdiwang na rin ang konsepto ng distance education na hanggang ngayon ay nagpapaunlad sa ating daigdig.