ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAY mga panukala na sakaling bubuksan na ang mga sinehan, mga bakunado muna ang payagang makanood. Plano kasing buksan na ang mga sinehan bandang November, ito ay subject sa approval siyempre ng IATF.
Nang nakahuntahan namin recently si Shido Roxas, inusisa namin siya sa kanyang pananaw sa usaping ito.
Esplika ng aktor, “Yeah, agree po. Ganyan din ang perspective ko this year. While there’s no way to totally alleviate covid, the least we could do is to only permit movie patrons who are fully vaccinated. This has been the practice in both developed and other developing countries as well.”
Kumusta na siya ngayon? Naiinip na ba siya sa tagal ng pandemic?
“Nagpapasalamat ako at mabuti naman ang health ko at ng pamilya ko. Fully vaccinated na kami lahat, pero tulad ng nakararami, nangangamba dahil sa mas malala at nakahahawang covid variant,” lahad ni Shido.
Aniya, “Medyo naiinip po dahil tigil ang trabaho pero gayonman, mayroon akong ibang activities para maibsan ang boredom at maging productive pa rin. Nabanggit din niya ang pinagkakaabalahan ngayon.
“Bukod po sa pagma-manage ng isang munting farm ay may tinatrabaho ako para sa isang marketing campaign ng isang kompanya. May iba rin pong offers na movie, pero hindi pa rin po tiyak kung kailan, gawa nga po ng pandemya.”
First quarter ng taon nang unang natapos nila ang pelikulang Nelia hinggil sa mental illness, depression, and anxiety. Mula sa A and Q Productions Films Incorporated, ito’y pinagbibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.
Ngayon ay tinatapos naman ni Shido ang pelikulang Caught in the Act ng MPJ Production. Mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño, tampok dito sina Joaquin Domagoso, Andi Abaya, Karel Marquez, Lance Raymundo, Toni Co, Jhassy Busran, Bamboo B., Josh Lichtenberg, Ej Panganiban, John Gabriel, at iba pa.