Saturday , November 16 2024
shabu

3 drug suspects deretso kalaboso

BAGSAK sa kulungan ang tatlong drug suspect matapos makompiskahan ng kabuuang P352,036 halaga ng pinaniniwalaang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Pasay City nitong Miyerkoles.

        Kinilala ni Pasay City police chief, Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Joseph Alverio y Suñiga, alyas Boss Diego; Joseph Morales y Mojica; at Charlita Morales y Mones, pawang nasa hustong gulang at residente sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/SMSgt. Jonathan Bayot, imbestigador, isang buy-bust operation ang ikinasaa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit  (SDEU) sa Tolentino Street , L. Medina, Brgy. 123, Zone 12, Pasay City na ikinaaresto ng mga suspek.

Nakompiska sa tatlong suspek ang dalawang medium plastic sachet at isang maliit na pakete na naglalaman ng tinatayang 51.77 gramo ng shabu, wallet, at P1000 buy bust money.

Nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng pulisya at sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200w sa Pasay Prosecutor’s Office.  (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *