Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Prats Makulay ang Buhay 
Camille Prats Makulay ang Buhay 

Camille nakare-relate sa bagong edu-tainment show

COOL JOE!
ni Joe Barrameda  

BALIK-TELEBISYON ang Makulay ang Buhay hosted by Camille Prats at mapapanood ito every Saturday at Tuesday sa GMA. Si ‘Mom C’ Camille, ikinatuwa ang pagpapalabas muli ng nasabing edu-tainment program ng GMA Public Affairs na unang umere last year.

“Shooting ‘Makulay Ang Buhay Season 1’ was really an experience I will never forget as we shot it during a pandemic,” say ni Camille.

“[I am] truly grateful to be part of a program that is not only informative but also teaches Filipino children about the benefits of eating healthy.”

Layunin ng programa na bigyang halaga ang wastong pagkain ng mga bata sa pamamagitan ng makukulay na music video at nakaaaliw na kuwento kasama ang mga puppet na sina Benjie at Penpen. Ipinakikita rin sa programa kung paano maghanda ng nutri-sarap dishes na swak sa panlasa ng bagets. Talagang nutritious na, delicious pa!
 
 Relate siyempre rito si Camille na hindi lang isang ina kundi talagang malapit sa mga bata.

“Children will always have a special place in my heart, being part of a project that teaches our kids to better take care of themselves is really something I am grateful for. Mom C, Benjie, and Penpen are so happy to be back as we read stories, cook our favorite healthy dishes and play virtual games.” dagdag pa niya.

Samahan sina Mom C” Camille, Benjie, at Penpen sa Makulay ang Buhay tuwing Sabado, 9:45 a.m. at tuwing Martes 8:00 a.m. sa GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …