Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez
Teejay Marquez

Teejay totodo na sa pagpapa-sexy

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pa-boy next door image hanggang sa medyo sexy image nang pasukin nito ang BL series na Ben X Jim, handang-handa na sa mas daring pang proyekto ang si Teejay Marquez na sa kanyang picture sa social media ay wala kaabog-abog na mag-trunks.

Nasabi naming handa nang tumodo si Teejay dahil first time niyang mag-trunks.

Kaya naman trending ito sa social media at pinusuan ng mga netizen.

Mukhang handa na nga itong tumodo sa pagpapaka-daring sa pelikula like the Gumabao brothers–Paolo at Marco, idagdag pa natin sina Sean De Guzman at Ricky Gumera ng Anak ng Macho Dancer atbp..

Ayon kay Teejay, “Handa na ako Tito John, hindi na naman ako bumabata kaya kailangan ko na ring sumubok ng iba’t ibang roles katulad mg pagiging daring sa pelikula.

“Basta ang sa akin lang, maganda ‘yung istorya ng pelikula at kailangan talaga sa istorya kahit tumodo ako sa pagpapa-sexy okey lang nasa tamang edad na naman ako.

“Kahi’t nga magpakita pa ‘yan ng private part ko ha ha ha todo na. Katulad lang ng sinabi ko, basta maganda ‘yung istorya, magaling ‘yung director at kailangang-kailangan talaga sa eksena at sa ikagaganda ng pelikula, go ako riyan.

“Marami namang mahuhusay at award winning actors na minsan ding dumaan sa pagpapa-sexy pero mas napansin ang galing nilang umarte kaya naman kinilala silang magaling na actor,” 
sambit ni Teejay.Sa ngayon, may mga pelikulang natapos na si Teejay na hindi pa naipapalabas at waiting na lang kung kailan sila magsu-shoot ng season 3 ng Ben X Jim lalo na’t hindi natuloy ang pagpunta niya sa Indonesia, Thailand, at Japan para sa mga project na gagawin dahil sa Covid 19.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …