Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno

Yorme positibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO sa CoVid19 si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Kinompirma ito ng Manila Public Information Office kahapon.

Agad dinala si Moreno sa Sta. Ana Hospital matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test.

“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” ani Moreno sa isang kalatas.

Tiniyak ng alkalde na hindi mauudlot ang operasyon at pagsusumikap ng lungsod laban sa CoVid-19.

“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” sabi niya.

Kahit CoVid-19 positive, si Moreno pa rin ang timon ng siyudad at sa pagtugon sa pandemya.

Nauna rito ay nagpositibo rin sa CoVid-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna noong 8 Agosto. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …