ISANG malaking blessing para kay Kyle Velino ang magkaroon ng kabi-kabilang proyekto sa kabila ng pandemya.
Matapos ang Killer Bride sa ABS-CBN at Paano ang Pangako sa TV5, nagpapasalamat ang aktor para ipagkatiwala sa kanya ang role sa series at pelikulang Gameboys na nakakuha ng ng most number of tickets soldsa KTX.ph nang ipalabas ito sa unang Linggo.
Ginampanan ni Kyle ang karakter ni Terrence Carreon, ang ex-boyfriend ng main lead na si Gavreel Alarcon (Kokoy de Santos). Si Terrence ang third wheel at ka-love-triangle sa Gavreel at Cairo (Elijah Canlas) team-up.
Ayon kay Kyle, mahirap ang virtual shoot na talagang sumubok ng kanyang kakayahan bilang aktor. “Ang hirap bumuo ng chemistry kapag hindi mo nakikita ‘yung kaeksena mo pero naging maayos naman ang transition noong ginawa namin ang movie,” anang aktor.
Nagbunga ang pagod at hirap ng binata at hindi akalain ni Kyle na magiging maganda ang resulta ng kanyang pinagpaguran at naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga supporter ng BL series.
“Sobrang thankful ako dahil naging maganda ang outcome ng ‘Gameboys’ at minahal naman nila ang character ko as Terrence. Salamat sa lahat ng sumuporta,” sambit pa ni Kyle.
Slowly but surely, natutuwa siya sa takbo ng kanyang karera at mas gusto niya pang makagawa na maraming proyekto, sa pelikula at telebisyon, para mas lalo pa niyang maipakita ang versatility bilang aktor. (MVN)