Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys The Movie
Elijah Canlas Kokoy de Santos Gameboys The Movie

Kokoy at Elijah, matindi chemistry sa Gameboys: The Movie

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA nang mapanood last July 30 ang Gameboys: The Movie sa KTX at Ticket2Me. Tampok dito sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Tama ang sabi ng marami, teaser pa lang ay grabe na ang pakilig ng dalawang bida rito. Kaya naman hindi kataka-takang patok ito sa manonood. Base nga sa post ni Direk Perci Intalan sa Facebook:

GAMEBOYS THE MOVIE is the top-selling movie on KTX and Ticket2Me! Congrats Gameboys Fam! Thank you to everyone who watched!!! To all who haven’t watched or want to watch again… BUY YOUR TICKETS NOW!

Inusisa namin si Kokoy kung ano ang dapat asahan ng manonood sa kanilang pelikula?

Esplika ng aktor, “Ang kuwento ng pelikula, ngayon ay live-in sila temporarily, yung characters namin na sina Cairo at Gavreel, naka-live in set up sila. So, Ibang klaseng kilig, iyon lang ang masasabi ko, ibang klaseng kilig ang mararamdaman (ng manonood).  Dahil hindi na siya videocall, hindi na siya sa social media lang, magkasama na sila… kaya kung ano-ano na ang puwede nilang gawin…

“Ako, while reading the script or before going into it, alam ko na ibang klase ang dating, pero nang binasa ko po iyon, maraming mangyayari na hindi ko inakala na mangyayari.”

Nabanggit din niya kung ano’ng klaseng katrabaho si Kokoy?

“Napaka-generous at napakasayang kasama ni Kokoy, hindi kayo mabo-bore kapag kasama mo siya. ‘Tsaka dapat parati kang gising, dahil hindi mo alam kung ano ang puwede niyang gawin sa iyo,” nakatawang saad ni Elijah.

Dagdag pa niya, “Dapat lagi kang in your toes kapag kasama mo siya and mas nagiging interesting ang scene kapag siya ang kasama mo.”

Sa aming online show na Tonite L na L, natanong si Kokoy kung ano ang reaction niya kapag ikinokompara ang acting nila ni Elijah?

Sagot ni Kokoy, “Hindi ko siya tini-take as comparison. Mas nag-a-agree ako kasi totoo naman, eh. Bakit natin babalewalain ang ganoong klaseng comment ng tao? Hindi naman ako… wala naman sa akin iyon, eh. Sa dinami-dami ng nakuhang award ng baby (Elijah) ko, dapat maging proud tayo sa kanya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …