Monday , December 23 2024

Pondo kontra komunista mas pinaboran kaysa ayuda

ni ROSE NOVENARIO

DESMAYADO si Sen. Franklin Drilon sa pagbibigay prayoridad ng administrasyong Duterte sa programa kontra komunista habang nag­kukumahog sa pag­hahanap ng pondo para sa ayuda sa mga apektado ng pandemya.

Binigyan diin ni Drilon, ang P16.3 bilyong inilaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay ibinigay sana sa kinakailangang ayuda ng 4.2 milyong pamilyang Filipino na walang makain sa panahon ng pandemya.

Tinukoy ni Drilon ang P5 bilyong ibinigay ng NTF-ELCAC sa Davao Region na sana’y pina­kinabangan ng apat na milyong pamilyang Filipino na makararanas ng lockdown mula 6 -20 Agosto 2021.

“It is obvious that the government is giving priority to anti-insurgency over the need for ayuda and other health and social needs of our country necessary for us to move forward with our pandemic response,” ani Drilon sa panayam sa DZBB.

Ito aniya ang nag­paigting sa kanyang paninindigan na tutulan ang dagdag na pondo para sa NTF-ELCAC at panawagang budget para sa ayuda sa 2022 national budget.

Suportado ng senador ang mga hakbang para sa paghahanap ng pondo para sa ipagkakaloob na ayuda sa ipatutupad na lockdown sa 6-20 Agosto 2021.

“We must provide for SAP, not for anti-insurgency. I would like to see the 2022 national budget to give priority to 4Ps, the social amelioration program or ayuda, the health and education sectors,” anang senador.

Samantala, iki­na­lungkot ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang medical leave ni Budget Secretary Wendel Avisado sa panahong ipatutupad ng gobyerno ang ikatlong lockdown sa Metro Manila at wala pang sagot ang Palasyo kung may matatanggap na ayuda ang mga mamamayan.

Si Avisado ay nasa medical leave simula noong Sabado matapos tamaan ng CoVid-19 at si DBM Undersecretary Tina Rose Maria Canda ang pansamantalang hahalili sa kanyang puwesto.

Iminungkahi ni Zarate na kapag kinapos sa budget para sa ayuda ay puwedeng kumuha sa National Budget Circular 586, gayondin sa P4.5 bilyon presidential confidential and intelligence funds at maging sa pondo ng NTF-ELCAC.

Hinihintay aniya ng Kongreso ang panu­kalang 2022 national budget mula s DBM at sa kasagsagan sa pag­harap sa pandemya ay dapat maging mabilis ang aksiyon ng pama­halaan.

Kaya, aniya pina­paspasan ng Kongreso ang pagpasa ng Bayanihan 3 dahil ngayon kailangan ng taong bayan ang ayuda at hindi dapat isama sa 2022 national budget. (May kasamang ulat ni NIÑO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *