Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Lahbati Richard Gutierrez
Sarah Lahbati Richard Gutierrez

Laplapan nina Richard at Sarah binatikos

MA at PA
ni Rommel Placente

PINAINIT ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang Instagram world matapos mag-post ng kanilang photo.

Sa post ni Sarah, makikita ang matinding laplapan nila ni Richard na may caption na, ”a day on the lake with my faves.”

Napa-comment ang ilang kaibigan ng mag-asawa at isa na rito si Kuya Kim Atienza na sinabing, “saraaaap!”

Nagkomento rin ang kambal ni Richard na si Raymond Gutierrez at sinabing huwag nang gumawa ng baby ang dalawa.

Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa batikos mula sa mga netizen sina Richard at Sarah.

Payo ng isang netizen, dapat ay sa private na lang ito at hindi na dapat i-post. Sambit naman ng isa, totoo namang hot ang photo, pero nandiri umano siya dahil ipinost pa ito ng mag-asawa.

Marami pang komento ang nagsasabing panatilihing private ang ganitong bagay.

Binuhay naman ng anonymous netizen ang video ni Richard na nakikipaghalikan sa ex-girlfriend na si Anne Curtis sa kotse at sinabing walang tatalo rito. 

O ‘di ba, ang mga netizen talaga, walang magawa kundi pumuna ng mga post ng mga artista!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …