Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abdul Raman
Abdul Raman

Tulong sa ina ni Abdul Raman tinugunan

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

PARANG ang ganda naman ng karma nitong young Kapuso actor na si Abdul Raman na nasa cast ng Legal Wives. 

Noong Hulyo 13, nanawagan siya ng tulong sa social media para sa ina niyang na-stroke the day before.

Bumuhos ang tulong kay Abdul sa kanyang G-cash account, ayon sa katotong Jerry Olea. Hulyo 16, inihayag ni Abdul sa Facebook (published as is): ”Salamat po sa pagtuloy sa pag tulong, di na po tumatanggap Gcash ko at na exceed na po ang monthly limit na pwede ko po ireceive. Sa Metrobank ko na lang po, maraming salamat po.”

Ipinost ni Abdul ang mga detalye ng kanyang bank account. Nagbenta rin siya ng painting at sapatos para sa hospital bills.

Hulyo 17, nakapanlulumo ang post ni Abdul sa FB dahil sa isang scammer: ”Hello everyone, meron po nagte-take advantage sa situation ko at ginagamit identity ko para mang-scam ng mga tao. 

“Please po, isa lang po ang bank ko at isa lang po ang Gcash ko. I will be posting a new QR later (though sa Tita Sam Balderama ko) dahil di na po tumatanggap ng pera Gcash ko since na exceed ko na po monthly allowed na pumapasok. Anyway, please be aware po na may mga posers that will use the tragedy for their own gain, thank you!”

Noong Hulyo 21 ay nag-update si Abdul (published as is), ”Hello po and maraming salamat po sa mga tumulong financially, sa prayers and sa pag spread po ng word, I am deeply grateful po wholeheartedly sa effort niyo.

“Para naman po iupdate kayo sa lagay ng mom ko right now, kaka tapos lang po ng another surgery niya this afternoon, ok naman po ang result.

“we are hoping po na tuloy-tuloy parin po ang pag dadasal sakanya, at sa mga willing po mag padala ng tulong kailangang-kailangan parin po namin ng tulong niyo at nasa ICU parin po siya, maraming salamat po.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …