Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Natasha Timbol, 32 years old, residente sa Valenzuela City.
Dito po sa aming barangay, tuwing tag-ulan lalo na po kapag bumabagyo para kaming nasa water world dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig.
Kung titingnan po ang Valenzuela ay talagang parang napakaunlad na pero hindi pa rin maresolba ang problema sa baha.
Kapag inabot po kami ng baha, hindi na po kami nakapapasok sa trabaho o ang mga estudyante ay hindi na nakapapasok sa eskuwela.
Ngayon namang online classes at work from home (WFH), napeprehuwisyo naman ang signal, kaya tama ang desisyon ng LGU namin na walang pasok kapag bumabagyo.
Pero sa aming mga tahanan, isa lang po ang hindi puwedeng absent kapag tag-ulan — ang Krystall Herbal Oil.
Kasi po, isa ito sa nagbibigay ng mainit na pakiramdam kapag giniginaw kami dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Panlaban din namin sa pinupulikat na binti at paa. Talagang da best po ang Krystall herbal Oil ninyo.
Maraming maraming salamat po dahil ang imbensiyon ninyo ay “star for all seasons” para sa pangangilangan ng isang pamilya.
Sumasainyo,
NATASHA TIMBOL
Valenzuela City