ni ROSE NOVENARIO
SA GITNA ng pagpasok ng kinatatakutang CoVid-19 Delta variant sa bansa, tiniyak kahapon ng Palasyo na mangangalap ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong indibidwal upang tustusan ang kandidatura ng mga kapartido sa PDP-Laban.
Ikinatuwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang mangalap ng pondo mula sa mga pribadong indibidwal para sa gastusin ng mga kandidato.
Ang pahayag ni Roque ay bilang paglilinaw sa sinabi ng Pangulo na magdadala siya ng ‘sako-sakong pera’ sa mga lugar ng mga kapartido sa panahon ng kampanya.
“Of course, he knows it’s illegal to use public funds for partisan purposes. But there is no prohibition in the Omnibus Election Code to raise funds from private individuals for the candidacies of individuals, so that is what the President meant.
“It’s an assurance to his party mates that not only will he physically campaign for them, he will also raise funds for them; and that’s not prohibited by the Constitution or the Omnibus election code.
“Unfortunately, democracy can be very expensive,” ani Roque sa Malacañang virtual press briefing.
Umani ng batikos mula sa ilang grupo at personalidad ang pangakong limpak-limpak na kuwarta ni Duterte sa PDP-Laban lalo na’t hindi anila sapat ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya at pagpasok ng mas nakahahawa at mas mapanganib na CoVid-19 Delta variant.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …