DESMAYADO si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-genaral Renato Reyes, Jr., sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdadala ng sako-sakong pera para ipamudmod sa kampanya ng mga kandidato ng PDP-Laban.
“Sako-sakong pera para sa kampanya pero walang pera para sa ayuda, sa pandemic response, sa health workers, sa mga estudyante ar guro, sa mga jeepeny drivers. Kundi ba kagaguhan ito?” sabi ni Reyes sa kanyang Facebook post.
Sa PDP-Laban national assembly noong Sabado, tiniyak ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kapartido na magdadala siya ng sako-sakong pera sa kanilang mga lugar sa panahon ng kampanya para sa 2022 elections.
“Those running for re-election, ikakampanya ko kayo city por city.] Totoo ‘yan. Kayong mga nagtatakbo, I will — I commit to you. Talagang pupunta ako city por city, province por province, (i)kakampanya ko kayo. Pero — at saka magdala ako ng maraming pera, sako kung mayroon,” aniya.
Matatandaan ilang beses idineklara ng Pangulo na walang pera ang gobyerno para bigyan ng ayuda ang mga mamamayang lubos na naapektohan ng CoVid-19 pandemic.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa ibinibigay sa health workers ang kanilang mga benepisyo alinsunod sa Bayanihan 2 Law.
Habang ang mga guro ay hindi binayaran ang overtime pay batay sa napagkasunduan ng Departrment of Education (DepEd) at Civil Service Commission (CSC). (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …