Saturday , April 26 2025

P10.4-B SAP ipinabubusisi ni Pacquiao

ni ROSE NOVENARIO
 
ILANG araw matapos manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag paniwalaan si Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, hiniling ng mambabatas na imbestigahan ng Senado ang P10.4 bilyong pondo ng Special Amelioration Program (SAP) ng administrasyon.
 
Inihain ni Pacquiao kahapon ang Senate Resolution No. 779, na nagsusulong sa pormal na pagsisiyasat ng Senado sa SAP fund lalo ang aniya’y kaduda-dudang paggasta nito.
 
Nakasaad sa resolusyon, ang kontrata ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa Electronic Money Issuer (EMI) at remittance agent Starpay.
 
Ang DSWD ang nangasiwa sa SAP habang ang Starpay ang katuwang sa pamamahagi ng pondo sa mga benepisaryong apektado ng CoVid-19 pandemic.
 
Sinabi ni Pacquiao, batay sa record, sa 1.8 milyong SAP beneficiaries ay umabot lamang sa 500,000 ang nakapag-download ng Starpay application, isang requirement para matanggap at ma-withdraw ng benepisaryo ang ayuda.
 
“This means around 1.3 million projected beneficiaries were unable to download the said e-wallet application and therefore could not have electronically received through Starpay the subsidy amounting to P10.4 billion earmarked for them,” ani Pacquiao.
 
Ngunit batay aniya sa talaan ng DSWD, kompletong nabayaran ng Starpay ang lahat.
 
“However, records from the DSWD show that all of these payouts have already been completed,” dagdag niya.
 
Kombinsido ang senador na may kagyat na pangangailangan para busisiin ang anomalya upang mabisto ang korupsiyon sa DSWD at Starpay na umagaw sa ayuda ng mga mamamayan na lubhang naapektohan ng pandemya.
 
“There is an urgent need to look into this anomaly to untangle the web of corruption involving DSWD and Starpay which has robbed our people of economic resources and denuded the government of its basic capacity to provide a lifeline to the vulnerable segment of the society that has been hit the hardest by the current pandemic.”
 
Nauna rito, ibinunyag din ng senador ang umano’y katiwalian sa Department of Health (DOH) at Department of Energy (DoE).
 
Matatandaan unang isiniwlat ng HATAW noong 25 Agosto 2020, sa P700 milyon ang kikitain ng financial service providers (FSPs) na kinontrata ng administrasyong Duterte para mamahagi ng ikalawang yugtong ng ayudang pinansiyal para sa 14 milyong pamilya sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP).
 
Ang P700 milyon kabuuang matatapyas sa SAP na mapupunta sa FSP ay mula sa P50 kaltas sa bawat P8,000 ayuda sa isang pamilya.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *